ni MVP
Ang pagmamahal sa tao ay muling nagiisa
pero pagkatapos ng gabing kay dilim at
umagang kay ginaw sa wakas muling napangiti siya!
Tinawag ulit si bathala,
lulusong muli sa tubig, susugal at susugal pa rin!
Dahil hindi bat sapat na kabayaran
ang sakit para sa pagmamahal sa bayan
hindi bat mas tinataya natin ang lahat
kapag hindi tayo sumugal sa ating minamahal.
Ito ang ginawang batas na martial law
Dumilim ang kalangitan kasabay ng iyong paglisan.
Bumuhos ang malakas na ulan kasabay kasabay ng pag kawala ng pag asang lumaya.
Tumaas ang tubig sa ilog at karagatan
na siyang pagbaba naman ng pag asang
ikay muli ko pang mayakap at mahagkan.
Rumagasa ang malakas na daloy ng tubig
na tila bang siyang tumangay sa ating kayamanan
tumumba ang puno’t halaman na
siyang pagtumba rin ng ating kaginhawaan.
At sa bawat pag patak ng bawat sigundo,
bawat minuto na tila ba ito na ang oras na magwawakas na
ang binuo nating IKAW, AKO, SILA at TAYO
kasabay ng pag punit natin sa ating naiwang litrato.
Malamig ang bawat pag dampi ng hangin sa ating katawan
na tila ba mga yakap bago ako lumaban
at pag katapos ng masamang panahon na
siyang namang aking pag bangon sa aking mapait na kahapon.
Mula sa kalayaan na aming mga tao lamang ay sinayang at pina ikot lang.
Ayoko na!!!
Paulit ulit nalang
Paulit ulit nang pinapaasa
Nakakapagod na,
Nakakapagod nang magmahal
Nakakapagod nang isiping may pag asa pa
Nakakapagod nang isiping kayako pa
Nakakasawa na
Nakakasawang mag panggap
Nakakasawang itago ang lungkot na nadarama
Nakakasawang mag mahal
Nakakasawang masaktan
Gusto ko ng sumaya
Gusto ko ng lumaya
Lumaya sa lahat ng pagpapanggap
Lumaya mula sa lahat ng sakit na nadarama